Now Ready to read…!!!

True or False?

True Or False? LOGO

 

 

Read:

*Unang Kabaliwan (Scroll Down to read)

*Ikalawang Kabaliwan (Scroll Down to read)

 

“ Story Trailer “

 

 

(Read the Story below right after this Trailer…)

Si Keith ay bakla na simula noong bata pa siya. Ngayong tumuntong na siya sa gulang na 17 years old, ginawa niyang Kate ang pangalan niya. Dahil sa beshie (means bestfriend), nakilala niya ang isang maskulado at gwapong Fil-Am na si Jhon Michael na tawagin na lang nating Jm. Mula noon, lagi na silang nagte-text, nagcha-chat at nagkikita. Dumating ang isang araw na nanligaw si Jm kay Kate. Mahal naman din ni Kate si Jm ngunit tinanggihan niya ito dahil alam niyang bawal. Bakit pa daw aaksayahin ni Jhon Michael ang kanyang oras sa bakla gayong maraming babae diyan na tumutulo na ang laway dahil sa kagwapuhan ni Jm. Nagseselos naman si Kate ‘pag may kasamang babae si Jm…

 

May Pag-asa pa ba ang pag-ibig nilang dalawa?

 

Makatarungan bang bigyang-pansin ang kanilang pagmamahalan?

 

Nalilito na si Kate…

Kung TUNAY na pag-ibig ba ang kanyang naramdaman ?

O, MAPANLINLANG na pagdaramdam lang ito…

 

TRUE love or FALSE feelings?

 

(Comedy Love Story)

 

Read the story below…..

 

Now na!!!

(Just scroll down to read…)

Chosen Theme Song:

ˆ ———————ˆ

Bago simulan ang pagbabasa…

 

 

Ang kuwento pong ito ay gawa lamang sa piksyon. Ang mga pangalan, karakter, lugar at insidente na napapaloob sa kuwento ay pawang produkto lamang ng malikot na imahinasyon o kathang-isip lamang ng tagapagsulat at ginamit sa piksyonal na paraan lamang. Kahit ano mang magkapareho dito sa tunay na pangyayari, mga local na tao sa mundo o maging sa ordinaryong mamamayan, patay man o buhay, ay hindi talaga sinasadya.

Walang kahit anumang parte ng kuwentong ito ang maaaring gamitin o paramihin ng kopya o kahit ano kung walang permisyon maliban sa mga brief quotations na inilathala sa mga kritikal na artikulo o pahayagan

ˆ——————— 🙂 ———————-ˆ

True or False ?

Written by: DanielDarz Storypen

UnANG KABALIWAN

“Meet Keith”

“Bw****! Bakit ba ang dumi na naman ng bahay?! Ramil, nasaan ang kuya mo?”

Ito ang laging gagawin ni Aling Sabel, ang laging sisigaw ng sisigaw kapag gigising siya tuwing umaga. Si Ramil naman ang kanyang bunsong anak, ang panganay niya ay si KEITH… ay, KATE pala.

Ramil: Mama naman, mayroon ba akong kuya? Di’ba ate lang ang mayroon ako?!

Aling Sabel: Tama na nga ‘yang biro! Puro kayo biro, biro, biro! Wala tayong tubig! Ayaw niyo bang maligo?

Patuloy sa pagputak-putak ang bibig ni Aling Sabel hanggang sa gumising na si Keith… este, Kate pala at narinig niya ang mga sigaw ng kanyang ina… Kaya, lumabas siya sa kuwarto at…

Keith: Ma? Ang aga-aga, nagugutom na naman ‘yang bibig mo? Hay naku! Sinisira niyo lang ang byuti ko!

Aling Sabel: Hoy, bakla! Byuti-Byuti ka d’yan! Wala ka naming byuti! Ang pangit-pangit mo nga!

Keith: Does that mean, mana sa nanay? Hehehe…

Aling Sabel: Grrrrrrr…!! Mag-igib ka nga ng tubig!

Keith: Ayoko nga! Masisira lang ang byuti ko n’yan…!

Aling Sabel: Pwes, kung ayaw mo…

Kumuha si Aling Sabel ng kutsilyo mula sa kusina…

Aling SABEL: (tinutok ang kutsilyo kay Keith) Ano? Ayaw mo? Wala ka naming importansya sa mundo, dapat mamahinga ka na lang!

Keith: (iyak) ‘Wag naman! Ayokong iiyakan ako ng aking mga fafa na kay gwapo ‘pag nasa kabaong na ako!

Aling SABEL: Oa, Oa mong bakla ka! Bilis! Igib na!

Keith: (napilitan) Opo…

Ganito ang takbo ng buhay ni Keith sa umaga, maging sa tanghali at hanggang sa dapithapon, ngunit pagdating ng gabi…

Aling Sabel: Saan ka pupunta, bakla ka?

Keith: Edi, saan pa madder, edi… sa mga nagagwapuhan kong mga “cats”.

Aling Sabel: (sigaw) Hindi mo pa nga nahugasan ang plato! Tuka kayo ng tuka, linis wala!

Keith: Ay oo nga pala noh! Sorry, nakalimutan ko…

AlingSabel: Kalimutan-kalimutan ka diyang bakla ka! Hali na dito! Hugas na ng plato!

Keith: Oo na, sige na nga!

Lumabas siya ng kuwarto ngunit hindi siya pumunta sa kusina, sa halip, kumaripas isya ng takbo papalabas ng bahay na lagging natatapilok dahil sa high heels niya.

Nakita ito ni Aling Sabel at sumigaw…

Aling Sabel: Hoy! Bumalik ka dito, bakla!

Si Keith ay dumiretso na sa Plaza DeCarenza, isang plaza na malawak at doon nagde-date ang mga magsyota…

Parangmay hinahanap si Keith… At bawat lakad niya, may mga lalaking kinikindatan siya.. . Pero ito lang ang sagot ni Keith sa kanila…

Keith: Ang pangit pangit niyo?! Tapos, tatawagin niyo ang kagandahan ko? Sh** na lang sa inyo!

Hanggang sa nakita na niya ang kanyang hinahanap…

Keith: (sigaw at takbo) Bryana! Mare!

Si Bryana ang kaibigan ni Keith na bakla rin.

Keith: Sino ‘yang kasama mo? Gwapo niyan ah?! Fil-am pa!

Bryana: Ahm, Kate, meet Jhon Michael, Jhon Michael, meet Kate…

Keith: (pa-cute) Hi!

Jhon Michael: Hello… Just call me Jm for short. Nice to meet you, big b**bs…

Keith: Ahm, hehehe, actually, silicon lang ito, nakakahiya naman!

Jhon Michael: Okay lang ‘yan, basta maganda ka… Para kang tunay na birhen…

Pagsabi ni Jhon Michael nito, biglang natulala si Keith, para dawng tumigil sa pag-ikot ang mundo para lamang sa kanila.

Keith: Talaga? Maganda ako? ‘Wag ka naming ganyan! Kakapal nman ‘tong mukha ko, eh…

Jm: No! Hindi pera ang habol ko…

Keith: Eh, ano? Kaya nga kayo namamakla para magkapera. Ginagawa niyo kaya kaming financer…

Jm: (bulong) Pwede bang malaman ang cell. No. mo, miss?

Bryana: (inip) Ano bang binulong-bulong niyo diyan?

Biglang dumating ang partner ni Bryana na si…

Bryana: ( sigaw) Noe, my love!

Noe: (sigaw) Bryana, my Darling!

At sina Bryana at Noe naman ang naglalambingan, Binigyan naman ni Keith si Jm ng cp no. niya…

Pagkatapos ng lahat ng iyon, umuwi na si Jm at Noe ng magkasama…

Noe:(habang naglalakad) Woohhoo! Naka- P500.00 ako! Ikaw pare? Magkano ang nakuha mo sa syokla mo?

Tulala si Jhon Michael at napansin ito ni Noe…

Noe: Pare, okay ka lang ba? Bakit ganyan ka? Kanina ka pa tulala diyan, ah?!

Jm: Ang ganda niya pare!

Noe: Sino? ‘Yung partner mong bakla kanina?

Jm: Oo, pare! Ganda ng kutis, kinis ng balat, napaka-sexy, tangos ng ilong at…… KISSABLE LIPS!!!

Noe: Teka muna, pare, parang natuto ka ng magtagalog, ah?!

Jm: Siyempre naman! Fast Learner kaya ako! Pero, pare, I can’t get her out of my mind!…

Noe: Anong “her”? “Him” kaya, noh?!

Jm: Kahit ano! Babae siya! Lalaki din siya!

Noe: Pare, mukhang may nag-iba sa friend kong Fil-am ah?

Jm: Ano? Ang tagalong-language ko?

Noe: Nope.

Jm: Ano?

Noe: Ahm, parang na-inlove ka na ‘ata sa bading, ah?!

Tinulak ni Jhon Michael si Noe…

Jm: Ano ka ba? Ako? Nakalimutan mo nab a kung ilang babae na ang pinaglalaruan ko?

Noe: AY, oo nga noh…?! Ahm, parang 43 na ata?!

Jm: Ha? Pa’no mo nalaman?

Noe: Inilista mo kasi sa notebook mo ang mga babae mo, eh!

Jm: Ano? Binasa mo ‘yun?!

Noe: Hehehe… Sorry, bosing…!!!

Nag-away ang dalawa hanggang natapos ang gabi…

——–ˆ Crazy Pause ˆ——–

Eeeeeeewwww… Yackz! Lalaki umibig sa bakla? Ano siya, MAYA? O, ‘di kaya’y silahis? Nakakabaliw talaga ‘tong mga YACKZ na ito! May continuation pa!No need to wait for the Ikalawang Kabaliwan! Just scroll down to read!

 

The Loveteam of the story:

Keith - Jhon Michael Romance

 

 

IKALAWANG KABALIWAN

“Texting and Dating”

Nagsimula na naman ang umaga…

Isang manok na naman na pumutak-putak ang sumalubong sa araw…

Aling Sabel: Hoy, gumising na kayo!

Gumising naman si Keith at lumabas sa silid niya…

Keith: Bakit ba mama? Ang sobrang aga pa upang pumutak ka ng pumutak diyan!

Biglang na-shock si Aling Sabel at napatingin kay Keith, iyun pala’y…

Aling Sabel: Yackz! (sigaw) Bakla ka talaga!

At tiningnan ni Keith ang parte kung saan tumingin si Aling Sabel at nang natingnan niya ito…

Keith: (napahiya) Ayyyyy… Sorry…!!!

Naka T-back pala ito nang lumabas ng silid…

Kaya bumalik siya sa loob ng kuwarto at nagbihis…

Nang lumabas na siya galing sa kwarto…

Keith: Tsadang…! Ako na ang prinsesa ng kagandahan…!

Aling Sabel: Bakit ka ba nagbihis ng gown?!

Mag-ga-gown ka bas a public market? Hindi ka

ba nababaliw?!

Keith: Hah? (tiningnan ang damit) PUBLIC MARKET!?! Ayoko nga! Ang cheap-cheap naman du’n! ‘Di ba pwedeng sa SM Mall Of Asia na lang?

Aling Sabel:(nagalit) Che! Ang pobre-pobre mong tao, mangangarap ka pang pumunta sa Mall of Asia?! May cheap-cheap ka pa? Ang mukha mo mas cheap pa sa Public Market! Ano pupunta ka bas a Public Market o gusto mo nang mamahinga sa Impyerno?!

Keith: (natatakot) Impyerno po… ay, Public Market po pala…

Napaka-strict ni Aling Sabel kay Keith dahil sa pagiging bakla nito. Simula pa lang noong bata pa siya, naging bakla na talaga siya at ito ang simula ng galit at poot ni Aling Sabel sa kanya…

Pagkatapos niyang pumunta sa Public Market, humiga-higa lang siya sa loob ng silid niya nang biglang tumunog ang ringtone ng cellphone niya…

Si Jhon Michael pala ang nagtext sa kanya…

Jhon Michael: Hi, sweetie pie! It is your loverboy, Jm…

Keith: Uy, nakatext ka ha! ‘Wag mo nga akong tawaging sweetie pie, kakahiya naman!

Jhon Michael: Totoo naman eh, ‘di ba? Mahal mo rin naman ako eh…

Keith: Are You Sure? ‘Di noh!!!

Jhon Michael: Sa kagwapuhan kong ito? Wala yatang aayaw dito…!

Keith: ‘Kaw talaga, napakayabang mo! ‘Kala mo kung sinong gwapo?!

Jhon Michael: Okay Kate, pwede ba tayong mag-dinner mamaya? ‘Yung tayo-tayo lang ha? ‘Wag mong dalhin si Bryana…

Keith: Para ano? Bakit pa?

Jhon Michael: Sige na please… For the sake of love…

Keith: Sige na nga, what time?

Jhon Michael: Mga 6:30 pm sa Belk Fastfood Chain…

Keith: Okay…

Jhon Michael: Teka muna ha, may gagawin pa ako. Bye love you…

Ang mga iyun ay ang mga text messages na isine-send nila sa isa’t-isa…

Teka muna, mukhang may kumakatok sa pintuan ni Jhon Michael…

Jhon Michael: Sino ‘yan?

Babae ang sumagot…

Babae: Ako ‘to si Andy, buksan mong pintuan, babe…

Si Andy pala! Ang girlfriend ni Jhon Michael…

Binuksan ni Jhon Michael ang pintuan at bigla siyang niyakap ni Andi…

Andy: Miss na miss na talaga kita, babes! Kumusta ka na?

Ngunit hindi siya pinansin ni Jhon Michael, sa halip. Tinalikuran siya nito…

Nabigla naman si Andy kaya sinundan niya si Jhon Michael at tinanong…

Andy: Ano bang problema mo? Bakit parang ayaw mo akong kausapin?

Hinarap siya ni Jhon Michael at…

Jhon Michael: Please… I want space! And I can only get what I want if you’re out of my life! So please, get out!(sinigawan ni Jhon Michael si Andy)

Andy: (umiyak) So, makipag-break ka ba sa akin?ha?

Jhon Michael: (sigaw) Yes! Absolutely Yes! I want you out of my life! So now, please GET OUT!

Andy: (iyak) Jhon Mich…

Jhon Michael: (sigaw) Get Out…!!!

Andy: (iyak) Please don’t do this to me…

Jhon Michael: (sigaw) Get Out!!!

At umalis na nga si Andy na iyak ng iyak, maging si Jhon Michael ay umiyak sa loob ng kanyang kuwarto pag-alis ni Andy…

Jhon Michael:(iyak) From all the women I played and met, you’re the only one I loved most but I’m sorry, I love Kate more!(binugbog ang pader)

Sa gabi, 6:00 p.m. pa lang ay nasa napagkasunduang restaurant na si Jhon Michael… Excited na excited na siya, ngunit sa kabila ng kanyang ngiti, may mga taong nakabanatay sa kanya at sa susunod na mangyayari, sa isang itim na kotse sa labas ng restaurant na tila mga paniki ang nasa loob na laging tumitingin sa iisang tao – si Jhon Michael.

Napakatagal naman ng ating baklang bida, ano pa kaya ang ginagawa niya?

Keith: Nasaan na nga ba ‘yung lipstick ko?

Nawawala pala ang lipstick niya! Kanina pa siyang naghahanap sa loob ng kuwarto niya pero wala talaga siyang nakita kaya pinuntahan niya ang bunsong kpatid niya na si Ramil.

Kinatok muna niya ang pintuan habang nagtatanong…

Keith: Ramil, nakita mo ba ang lipstick ko?

Hindi sumagot si Ramil kaya binuksan na lang ni Kate ang pintuan. Nang nakapasok na siya…

Ramil:(napasigaw at itinago ang lipstick) ayyyy!

Keith: Hoy! Lipstick ko ‘yan ah?! Bakit mo ginamit ‘yan?

Ramil:(nagpa-cute) Hindi ba may kasabihang,(nagbakla-baklaan) Like SISTER like BROTHER?(sumigaw) Manang-mana ako sa ate!

Keith: Ay, wala akong pakialam kung naging bakla ka na, basta ibigay mo muna ang lipstick ko!

Ramil:(tanggi) Ayoko nga!

Keith: Ibigay mo na sa akin,(pangamba at daydreaming) Baka naghihintay na doon ang gwapo at maskulado kong Fil-Am!

Ramil:(na-shock) Ano? Gwapo siya?! Ay, hindi siya bagay sa’yo!

Sa panahong ito, nahulog ni Ramil ang lipstick dahil inisip niya kung gaano kagwapo ang lalaki kaya hinay-hinay itong dinampot ni Keith…

Keith: Bakit naman?

Ramil:(pa-cute) Dahil… kami ang bagay! At payo ko lang sa’yo,(tumayo) Huwag ka na langpumunta doon, mapapahiya ka lang, promise!

Keith:(sabay-talikod) Bahala ka na nga diyan bakla ka, Diyos ko!

At umalis na si Keith sa kwarto ni Ramil at nag-lipstick, pagkatapos ay umalis na siya. Nang nasa daan na siya, nagtatawanan ang mga lalaki at tinuturo nila ang taong nasa likod ni Keith, tiningnan naman ito ni Keith at na-shock…! Si Ramil pala at naka-two piece pa ito…

Ramil: (sinabihan si Keith) Ate, meet the new me, Ramielle, the Idol of all the cute guys here! Natalbugan ko na ang beauty mo! (trans.) Hi, guys! (pa-cute)

Keith: (nagalit) Bumalik ka nga sa bahay! Buwisit ka talaga, Ramil!

Ramil: (nagtataka) oOuch! Sinong Ramil? Sorry, pero hindi ko kilala si Ramil, my name is… Miss Ramielle…

Keith: Grrrrr…..!!!(change mood) Magbihis ka nga du’n! Nakakahiya ka!

Ramil: Hoy! Baka nakakalimutan mo ate, last year lang, sumali ka sa Miss Quezon ngunit nu’ng pinalakad na kayo sa stage, sinuot ang mga bikini, ikaw ay nagtwo piece at transparent pa ha may maliit na butas pa, kaya na-disqualified ka dahil nalaman nilang bakla ka! Nagtatakbuhan pa nga lahat ng mga candidates doon eh! Oh, sinong nakakahiya?

Keith: (bulong kay Ramil) ‘Wag ka ngang maingay! Umuwi ka na lang, wala ka namang pamasahe sa jeep, eh! Sasakay kasi ako ng jeep…

Ramil; (may kinuha sa gitna ng bra niya) Eh, ano ito? Hindi ba ‘to pera?

Keith: (galit/taka) Hoy! P100.00 ko ‘yan ah! Magnanakaw ka talagang bata ka! Ibigay mo muna sa akin ‘yan!

Ramil: (tanggi) Ayoko nga!

Keith: Aw, bahala ka…

Kumaripas ng takbo si Keith at sumakay ng PUJ, hindi ito naabutan ni Ramil ngunit sumakay naman siya ng Taxi…

Ramil: Mamang Driver, sundan niyo lang po ang jeep na ‘yan. (itinuro ang PUJ na sinakyan ni Keith)

Taxi Driver: Okay, sir!

Ramil: Anong sir? Ma’am kaya! Tanga!

Taxi Driver: Sorry, ma…. Ma’am!

Malayo-layo rin ang lugar nang huminto na ang PUJ na sinasakyan ni Keith. Nang nakita ito ni Ramil este Ramielle, pinahinto na rin niya ang Taxi Driver.

Ramil: Magkano’ng ibabayad ko?

Taxi Driver: Tingnan n’yo lang po ang metro.

Itinuro ng driver ang metro at na-shock si Ramil dahil P112.50 ang nakalagay doon. P100.00 lang ang perang dala niya! Kaya dahan-dahan n’yang binuksan ang pintuan ng taxi at tumakbo papalayo hanggang sa nakita na niya ang kuya este ate niya na may ka-date na isang lalaki sa loob ng isang restaurant…

Jhon Michael: Bakit ba na-late ka? 7:30 na ng gabi. Dahil ba sa mga lalaki mo d’yan?

Keith: (todo tanggi) Hindi ah!

Jhon Michael: (hinawakan ang kamay ni Keith) Dapat lang, dahil ‘pag nakita kitang may kasamang iba, magseselos talaga ako!

Keith: Azus! Bola na naman!

Jhon Michael: (sabay kuha ng ring) ‘Di! ‘Di bola ‘yun! Totoo ‘yun! Will you accept me as your boyfriend?

Keith: (inilayo ang ring) Ano ka ba? ‘Di tayo pwedeng ikasal noh?! Labag ‘yan sa religion!

Jhon Michael: (tumawa) Pakipot pa oh! I know your style na! Alam kong gusto mo ‘to! Wala yatang aayaw sa akin!

Keith: (napilitan) Oo na, mahal na kita…

Jhon Michael: (napasigaw) Yes!

Ang mga tao sa restaurant ay napahinto sa pagkain dahil sa kanyang sigaw…

Keith: …ngunit…

Jhon Michael: Ano ‘yun? Mayroon bang kondisyon? Kaya ko’yan! Kahit sampung bilyon pa ang gusto mo basta( hinalikan ang kamay ni Keith) makasama lang kita…

Keith: Ngunit, relihiyoso akong tao, ayokong magkasala sa Diyos!

Nakita ng taong nasa loob ng itim na kotse ang paghalik ni Jhon Michael sa kamay ni Keith at lumabas na siya sa kotse…

SIYA PALA SI AND! Ang ex ni Jm!

Jhon Michael: Pwede ka naming mag-iba ng relihiyon! At, pwede naman tayong magpakasal sa aming bansa sa pamamagitan ng DOMESTIC PARTNERSHIP!

Keith: I’m sorry. I decline your offer…

At tumayo na si Keith, ay! Si Kate pala at nang tumalikod siya upang lumabas sa restaurant, may sumalubong sa kanya na babae na parang galit na galit at na-shock si Jhon Michael nang nalaman niya kung sino ito…

——–ˆ Crazy Pause ˆ——–

Hey! Oh my Gosh! Sino kaya ‘yung babaeng ‘yun? Bakit galit na galit ang mukha niya?

Si Andy ba siya?

Nasa’an na kaya si Ramielle or Ramil?

Ano kayang susunod na mangyayari?


Andy; The Evil Kontrabida :

The true

Bagong Karakter sa susunod na Kabaliwan (3rd Kabaliwan) :

Crest

IKATLONG KABALIWAN

Andy…The Evil Kontrabida”

 

Jhon Michael: (natakot) Andy?

Andy: Buti’t kilala mo pa ako, Jhon Michael! Ngunit mukhang hindi ko pa kilala itong kabit mo!

Keith: Kabit? Sinong kabet? Aalis muna ako ha… (aakmang aalis)

Andy: Nagmamaangan ka pa, bakla! Eh, kitang-kita ko naman kung paano ka hinalikan ni Jm sa kamay, tapos ide-deny mo pa? Anong akala mo sa akin, bulag?!

Keith: Ahm, miss, pasensya na, hindi ko naman kasi alam na girlfriend ka niya, siya naman din ang nag-imbita sa akin ditto…

Jhon Michael: (sumigaw kay Andy) Ikaw babae, bakit ka ba nandito? ‘Di ba hiniwalayan na kita kanina? At kapal pa ng mukha mong sabihin na girlfriend pa kita ngayon?!

Andy: (napatakip ang bibig sa kamay) Owz, Do you know how to tagalong na pala? Samantalang, noong tayo pang dalawa ang naglalambingan, pinahirapan mo akong mag-understand sa mga English mo?!

John Michael: That’s because I hate you!

Andy: So in love ka ba sa bading? Sabading na katulad mo’y lalaki?

 

Biglang lumapit ang waiter ng restaurant at…

 

Waiter: Sir, Ma’am, thanks for eating here, goodbye. Please come back soon.

 

At dinampot silang tatlo ng mga security guards papalabas ng restaurants… Nakita ito ni Ramil, ay Ramielle pala at lumapit.

Biglang na-shock si Kate nang makita ang kapatid…

 

Keith: Ramil!

 

Nang lumapit si Ramil, bigla nitong hinalikan ang mukha ni John Michael ng maraming beses at paulit-ulit .

 

Ramil: I love you, pogi! Cute!

Keith: Huwag ka ngang malandi…!

John Michael: (taka) Kilala mo siya, Kate?

Andy: Ew yack! (napasuka)

Keith: Oo, kapatid ko siya…

Andy: (sumigaw) Mga bakla! Aalis na ako ngunit pagbabayaran ninyo ang pag-agaw sa nobyo ko!

 

At sumakay na si Andy sa kanyang sasakyan, umalis papalayo sa lugar, ngunit lingid sa kaalaman nila, nagtatago lang si Andy sa isang sulok at naghihintay na aalis sila upang susundan niya si Keith sa bahay niya…

 

Keith: Ah, eh, pasensya ka na, ganito kasi kalandi ang kapatid ko.

Ramil: Oo, manang-mana kasi ako sa ate Kate ko eh…

 

Biglang tinakpan ni Keith ng panyo ang bibig ni Ramil…

 

John Michael: A…a…ano?

Keith: Sabi niya, umibig ka ba sa akin?

John Michael: Ay, oo, syempre naman, Ra—

Kate: Ramil, ramil ang pangalan niya.

John Michael: Ramil, mahal na mahal ko itong ate Kate mo…

 

Ay inakbayan ni John Michael si Keith, siniko naman nito si John Michael… (aw!)

 

Ramil: Ano?! Hindi mo ba ako mahal?

 

Nagtawanan silang dalawa ni John Michael at Keith. Nag-usap pa silangt tatlo hanggang sa dumating na ang oras ng pag-uwi.

Nang dumating na sina Keith at Ramil sa bahay…

 

Andy: (sa loob ng sasakyan) Dito lang pala kayo nakatira, magpakasaya na kayo ngayon dahil bukas, sisiguraduhin kong magiging malamig na bangkay na kayo! (sa sarili)

 

Pagpasok ng dalawa sa bahay…

 

Ramil: Ikaw talaga, ate! Mang-aagaw ka talaga!

Keith: (tinulak si Ramil) Anong mang-aagaw? Hindi ko nga siya sinagot! Ikaw talaga!

 

Patuloy sila sa pag-aaway hanggang sa narinig nila ang boses ni Aling Sabel na parang nagising dahil sa ingay ng dalawa.

 

Keith: (pabulong) Hoy, parang gumigising na si mama.

Ramil: Eh, ano ngayon?

Keith: Eh, naka-two piece ka pa! Bilisan mo nga ang pagbihis! Dali!

Ramil: Ay, oo nga pala noh?! Patay!

 

At pumasok si Ramil sa kanyang silid upang magbihis, maging si Kate ay pumasok rin sa sarili niyang silid. Natulog ang dalawa ng mahimbing…

 

Dumating na naman ang umaga… oras ng pagputak ng manok…

 

Aling Sabel: Hoy Ramil! Saan ka gumala kagabi’t nang pagbalik ko’y wala ka na?

Ramil: Sumunod po ako kay — ay, ano po, nag-assignment pala kami ng kaklase ko sa bahay nila…

 

Aling Sabel: (sigaw/galit) Pumunta ka doon ng hindi man lang nakapagpaalam sa akin?! Napakawalang-hiya mong kumain ng pahabhab ditto sa bahay ko at walang respeto sa akin na nagpakain sa’yo ilang beses sa isang… isang… isang… isang oras?!

 

At bumangon na naman ang patay nating bidang bakla…

 

Keith: Ma, anon a naman ‘yang bibig mo? Para naman iyang mantikaing adobo na papalakpalak kapag iniluluto sa mantika?!

Aling Sabel: O, buti’t gising ka na! Alam mo ba kung saan ito nagsusut-sutsot kagabi?! (itinuro si Ramil)

Keith: Opo ma, sumama siya sa akin kagabi.

Aling Sabel: (sigaw) Ano?!

Keith: Ay, wala poi yon, bago kasi akong gising, wala po akong alam sa sinasabi ko, hindi ko po siya nakita kagabi…

Aling Sabel: (sigaw/galit) Tumahimik kayo! Pareho lang kayong dalawa! Sadsad ng sadsad! Kapag umabot ang gabi, karera ng pag-alis sa bahay, eh kung lumayas na lang kaya kayo?!

 

Pagkatapos ng isang oras, tumigil na ang pagputak ng manok at umalis na sa bahay upang mag-mahjong sa kapitbahay.

Hindi alam ni Aling Sabel na pinasok na ng apat na lalaki ang bahay nila at…

 

Keith: Sino Kayo?

Lalaki1: Wala nang panahon…

 

At dinakip nila si Keith, tinakpan nila ang kanyang bibig… Habang nakatago ng maayos si Ramil sa isang sulok, diniretso nila si Keith sa kotse upang walang makakita. Nang nasa loob na sila ng van, kinuha na nila ang takip sa bibig ni Kate.

 

Keith: Ano nga bang kailangan niyo sa akin?

Lalaki2: Trabaho lang ito, walang personalan…

 

Dinala nila si Keith sa isang sementadong bahay na marami ng mga lawa ng gagamba, nakabigti, pinaupo nila si Keith. Iniwan nila ito at lumapit kay Keith ang isang babae at tinanong siya…

 

Babae: Ow, ow, ow! Ikaw pala ang baklang mang-aagaw?

Keith: Sino ka? At bakit mo ako dinakip? Anong kailangan mo sa akin? Ha?!

Babae: Ako nga pala si Crest, kaibigan ni Andy, at alam mo na kung bait kita pinadakip…

Keith: Ano, papatayin mo ako? Sige, gawin mo!

Crest: Hindi ko gusting dungisan ng dugo ang kamay ko, gusto kong sina Andy at John Michael ang papatay sa iyo! Hahahahahah!

 

——–ˆ Crazy Pause ˆ——–

 

Halah! May dalawang deminyita! Narinig ninyo iyon? Si John Michael, gusto nilang siya ang papatay kay Keith? Kawawang bading! Matutuloy kaya ang plano? Mamatay na kaya si Keith?

 

Abangan sa Ikaapat na Kabaliwan!

Dito lang sa super yack nating kuwento!

 

 

Another Story from DanielDarz Storypen: (Just click to Read…)

* IrelanI (Category: Fantasy)

Want to share your own stories?

Just click the link ” Share Your Own Stories! ” above (below the logo/image) and read the procedures. Share your own stories! Who knows? You might be a popular writer someday…

—————————————————————————-

Add us up on Friendster!

pinoyliterature@gmail.com